Di Ka Nag-Iisa

Jessen F. Ocbina

Daloy dumadaloy ang pighati
Patuloy patuloy lang ang iyong ngiti
Bukas may parating na bagong araw
Ang lunas sa mga sugat ay matatanaw

Balewala ang hangin (balwewala)
Balewala ang init (balwewala)
Panahon mo ay sasapit

Imulat ang mata harapin mo ang liwanag
Huwag nang umatras pa 'di ka nag-iisa ('di ka nag-iisa)
Oh 'wag mo nang isiping hindi mo kakayanin
Huwag nang matakot pa
'Di ka nag-iisa

'Di ka nag-iisa
Kahit na nga nag-iiba ang ihip ng hangin
May pag-asa hanggat may hininga ('di ka nag-iisa)
'Di ka nag-iisa
Kahit na nga nag-iiba ang ihip ng hangin
May pag-asa hanggat may hininga

Minsan minsan ay madadapa ka
Hindi maiiwasan bangon lang ng 'yong makita
Bukas huwag bitawan ang pag-asa
Ang mundo'y 'di magkukusa kaya kilos na

Balewala ang uhaw (balewala)
Balewala ang init (balewala)
Panahon mo ay sasapit

Imulat ang mata harapin mo ang liwanag
Huwag nang umatras pa 'di ka nag-iisa
Oh 'wag mo nang isiping hindi mo kakayanin
Huwag nang matakot pa 'di ka nag-iisa

'Di ka nag-iisa kahit tila nagigiba ang mundo (oh)
At tumulo ang luha dahil napipiga na ang damdamin (oh)
Na hinahamon ng ilang ulit (woah)
Bumangon ka at iguhit ang tadhanang nakaukit sa bato (yeah)
Ano ba to mga pasakit na nakabugo (yeah yeah)
Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit at panibugho (yeah yeah)

At pilitin mo na makabuo ng kumpiyansa 'wag kang manlumo (yeah yeah)
Imbes bilangin ang pagkadapa bilangin mo pagtayo mo (yeah yeah)
At sumulong umurong mapait man ang kahapon (yeah yeah)
Malubog ka man sa alon may pag-asa pang umahon (yeah yeah)
Iyo lamang tandaan na palaging may bukas pa
Ang kasagutan sa tanong ay makikita mo basta

Imulat ang mata harapin mo ang liwanag
Huwag nang umatras pa 'di ka nag-iisa ('di ka nag-iisa)
Oh wag mo nang isiping hindi mo kakayanin
Huwag nang matakot pa 'di ka nag-iisa

'Di ka nag-iisa
Kahit na nga nag-iiba ang ihip ng hangin (oh)
May pag-asa hanggat may hininga
'Di ka nag-iisa (oh)
Kahit na nga nag-iiba ang ihip ng hangin (woah)
May pag-asa hanggat may hininga ('di ka nag-iisa)

'Di ka nag-iisa
Kahit na nga nag-iiba ang ihip ng hangin (oh)
May pag-asa hanggat may hininga
'Di ka nag-iisa (oh)
Kahit na nga nag-iiba ang ihip ng hangin (woah)
May pag-asa hanggat may hininga

Matuto kang umahon pag ikaw ay nadulas
Labanan ang pagsubok sa nilakad na landas
Sa mga oras na mayro'ng ulang kahit malakas
Tandaan mo lang palagi na may langit sa taas

Canzoni più popolari di Sam Concepcion

Altri artisti di Contemporary R&B