Mamang Kutsero

Mamang kutsero sasakay po
Kaming magkasintahan sa kalesa niyo
At lalakbay po
Saan man gusto
Mula sa Luneta hanggang sa Ermita

O mamang kutsero nadama ko
Kamay ng aking nobya sa balikat ko
Huwag pong lilingon
Baka mabangga pa tayo

Kay sarap mabuhay nang kay lumanay
Katulad ng kalesang kay bagal-bagal
Wala kang problemang mababangga
Kung dahan-dahani'y marami ang ani

O mamang kutsero naiinggit ako
Sa kabayo't technicolor na kalesa niyo
Kung nais niyo magpalit na tayo
Sa akin ang kalesa inyo ang nobya ko

Kay sarap mabuhay nang kay lumanay
Katulad ng kalesang kay bagal-bagal
Wala kang problemang mababangga
Kung dahan-dahani'y marami ang ani

O mamang kutsero naiinggit ako
Sa kabayo't technicolor na kalesa niyo
Kung nais niyo magpalit na tayo
Sa akin ang kalesa inyo ang nobya ko

Kung nais niyo (kung nais niyo)
Magpalit na tayo (magpalit na tayo)
Sa akin ang kalesa
Inyo ang (inyong-inyo na ang)
Nobya ko

Canzoni più popolari di Ryan Cayabyab

Altri artisti di