Di Mapaliwanag

RJ Manulid

[Verse 1]
Nagtataka ang aking anak
Araw-araw na ang aming laro
Di pa niya maintindihan
Nawalan na ako ng trabaho

Miss na niya ang kaibigan niya
Kailan magkikita muli?
Ano ba ang sasabihin ko
Habang siya ay naiinip

[Chorus]
Di mapaliwanag
Ang pagtigil ng ating mundo
Hahanapin pa rin ang pag-asa
Sa gitna ng lungkot at lito

[Verse 2]
Nagtataka ang aking anak
"Bibisitahin ba natin si lola?"
Lumipas na ang ilang linggo
Nang pumanaw siya ng mag-isa

Ano ang aking gagawin
Upang makatulog ka ng mahimbing
Anak, anong nadarama?
Handa akong makinig

[Chorus]
Di mapaliwanag
Ang pagtigil ng ating mundo
Hahanapin pa rin ang pag-asa
Sa gitna ng lungkot at lito

Wag kang mag-alala
Kahit di ko alam ang lahat ng sagot
Gagawin ko ang lahat
Hanggang tayo ay makakaraos din

[Chorus]
Di mapaliwanag
Ang pagtigil ng ating mundo
Hahanapin pa rin ang pag-asa
Sa gitna ng lungkot at lito

Di mapaliwanag
Ang pagtigil ng ating mundo
Hahanapin pa rin ang pag-asa
Sa gitna ng lungkot at lito

Canzoni più popolari di RJ Manulid

Altri artisti di