Hanggang Ngayon

Joseph Gilo

Malilimutan rin kita
Ang sabi ko sa aking sarili
Ngunit bakit
Sa tuwing makikita
Mga kuha ng yong ngiti ako'y natutunaw

Wag mo akong itulad sayo
Na mabilis gumaling at makabangon
Sa pasa at sakit at luhang dinulot mo

At ngayon, nandiyan pa rin ang alaala
Hindi malimutan ang mga bituing nanirahan sayong ngiti
Hanggang ngayon, kung maaaring manirahan sa panaginip ko
Kung saan ikaw ay ay hindi ko kailangang, kailangang limutin

Dumating ang araw
Lumubog na ang buwan
Ngunit gaano pa man katagal ang lumipas
Hanap pa rin ang yong hagkan

Di inakalang mauulit
Poot at pag-ibig ay nandiyan pa rin
Ako ay alipin ng mga pinangako mo sakin

Wag mo akong itulad sayo
Ako'y nagmahal nang labis di makalimot
Sa pangako mong bukas na di dumating

At ngayon, nandiyan pa rin ang alaala
Hindi malimutan ang mga bituing nanirahan sayong ngiti
Hanggang ngayon, kung maaaring manirahan sa panaginip ko
Kung saan ikaw ay ay hindi ko kailangang, kailangang limutin

Wag moko, wag mokong kalimutan
Di kita, di kita kalilimutan
Wag moko, wag mokong kalimutan
Di kita, di kita kalilimutan

Wag moko, wag mokong kalimutan (Hanggang ngayon)
Di kita, di kita kalilimutan (Hanggang ngayon)
Wag moko, wag mokong kalimutan (Hanggang ngayon)
Di kita, di kita kalilimutan (Wag mokong kalimutan)

Canzoni più popolari di RJ

Altri artisti di Gangsta rap