Hindi Siya Kundi Ako

Edwin Marollano

[Verse 1]
Bakit ba pilit mong sinisiksik
Sa kanya ang iyong pag-ibig?
'Di ka naman niya makuhang mahalin
Pinahihirapan mo lang ang iyong sarili

[Pre-Chorus]
Nandito naman ako handang umibig sa 'yo
Buksan mo lang para sa 'kin ang iyong puso

[Chorus]
Dahil hindi siya kundi ako
Ang tunay na nagmamahal sa 'yo
Buksan mo sana ang 'yong mga mata
At harapin ang totoo
Hindi ka niya mahal
Kahit ano pa ang gawin mo
Hindi siya kundi ako
Ang sa 'yo'y handang umibig ng lubos
Sana'y subukan mong ituon sa 'kin
Ang iyong pagtingin
Hindi ka magsisisi
Dahil wagas kitang mamahalin

[Verse 2]
Kaya kong ibigin ka katulad ng
Pag-ibig mong laan sa kanya
Kung sana'y tayong dalawa ay kay saya
Kailangan bang pahirapan natin ang isa't isa?

[Pre-Chorus]
Nandito naman ako handang umibig sa 'yo
Buksan mo lang para sa 'kin ang iyong puso

[Chorus]
Dahil hindi siya kundi ako
Ang tunay na nagmamahal sa 'yo
Buksan mo sana ang 'yong mga mata
At harapin ang totoo
Hindi ka niya mahal
Kahit ano pa ang gawin mo
Hindi siya kundi ako
Ang sa 'yo'y handang umibig ng lubos
Sana'y subukan mong ituon sa 'kin
Ang iyong pagtingin
Hindi ka magsisisi
Dahil wagas kitang mamahalin

[Outro]
Wagas kitang mamahalin

Curiosità sulla canzone Hindi Siya Kundi Ako di Renz Verano

Quando è stata rilasciata la canzone “Hindi Siya Kundi Ako” di Renz Verano?
La canzone Hindi Siya Kundi Ako è stata rilasciata nel 2003, nell’album “Everyday”.
Chi ha composto la canzone “Hindi Siya Kundi Ako” di di Renz Verano?
La canzone “Hindi Siya Kundi Ako” di di Renz Verano è stata composta da Edwin Marollano.

Canzoni più popolari di Renz Verano

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)