Pagbigyang Muli [.]

Muli ay 'yong pagbigyan
Ako'y nagkamali
Muli ay 'yong patawarin
Ako'y nagsisisi
Alam kong ako'y nangakong di na mauulit pa
Ako'y nagkamali sa'yo
Muli ay patawarin mo

Ako ba'y 'yong yayakapin
Nakaraa'y kayang limutin
Magtiwalang muli
Mahalin mong muli
Magbalik ka sa'kin

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin (muling tanggapin)

Muli ay 'yong pagbigyan
Pag-ibig natin
Sabihin mo sa akin
Ang 'yong gusto'y susundin
Magtiwalang 'di sinasadyang maging di' tapat sa'yo
Nakalimot nga ako nangyari'y 'di ginusto

Ako pa ba'y kayang yakapin
Ang init ng halik sa akin kaya bang ibalik
Dama ang bawat saglit ng sakit ngayong wala ka na

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling (di ko kakayanin)
'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin (di ko kakayanin)
'Di kayang mag-isa gustong kasama kita
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin

Muling mahalin
'Di kakayaning ika'y mawala sa aking piling
Muling tanggapin
Ika'y magbalik magtiwalang muli
Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin
Pagkat (pagkat)

'Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling (di ko kakayanin)
'Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
'Di kayang mag-isa gustong kasama kita (di kayang mag-isa)
Sa'yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali (pangako ko sa'yo lang ako)
Pag-ibig ko'y muling tanggapin

Muling tanggapin oh
Muling tanggapin (ah)
Muling tanggapin

Canzoni più popolari di Regine Velasquez

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)