Anak

Freddie Aguilar

Nung isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong
Amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga'y malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga'y biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na ang kanilang
Ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang unang mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong anak ba't ka nagkaganyan

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin
Pagsisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali

Curiosità sulla canzone Anak di Regine Velasquez

Quando è stata rilasciata la canzone “Anak” di Regine Velasquez?
La canzone Anak è stata rilasciata nel 1991, nell’album “Tagala Talaga”.
Chi ha composto la canzone “Anak” di di Regine Velasquez?
La canzone “Anak” di di Regine Velasquez è stata composta da Freddie Aguilar.

Canzoni più popolari di Regine Velasquez

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)