BTYH

Raina Eguia

Kitang kita sa iyong mata
Parang bang nagsisisi ka
Di ako mayabang pero kaya kong ipagyabang na
Ako lang ang may kayang gawin na ika’y pakalmahin
Kaya kita ko na kahit meron kang iba, iba parin kasi

Kahit di aminin
‘Lam ko na ako parin naman ang gusto mo
Di mo man sabihin
Kaya kang basahin parang bukas na libro
Kahit na anong gawin at pagtakpan
‘Lam ko na kapag ika’y nasasaktan
And I know that I was the best that you had

Ayoko nang magsalita
Kung pano ba nagsimula
Istorya nating dalawa
Na parang nobela

Sa gitna ng mga pahina
Parating may eksenang
Nag sisigawan nag babangayan sa di alam na dahilan
Ano ba
Nangyari sating dalawa
Dati naman ay masaya
Kahit may pagkakaiba
Ng gusto sa buhay
Pag ibig ang tanging pakay
Titig lamang ang patunay
Kaya kahit kalimutan di makakayanan

Kahit di aminin
‘Lam ko na ako parin naman ang gusto mo
Di mo man sabihin
Kaya kang basahin parang bukas na libro
Kahit na anong gawin at pagtakpan
‘Lam ko na kapag ika’y nasasaktan
And I know that I was the best that you had

Alam kong mahirap gawin
Na ako’y limutin
Kahit sino ay makakapansin na
Nagsisisi ka at parang di mo kaya
Na makita ako na masaya
Sa yakap ng iba
Pero wala na akong magawa kundi tignan ka
Yan ang kapalit ng lahat ng sakit
Na hindi ko na kinaya’t natiis
Asahan mong di mo na maaasahang babalik (hey)
Eto na ang huli nating pagkikita
Maghanap ka man di mo na makikita ito sa iba
Kahit san pa tumingin

Kahit di aminin
‘Lam ko na ako parin naman ang gusto mo
Di mo man sabihin
Kaya kang basahin parang bukas na libro
Kahit na anong gawin at pagtakpan
‘Lam ko na kapag ika’y nasasaktan
And I know that I was the best that you had

Canzoni più popolari di Raina

Altri artisti di K-pop