Hindi Kita Malilimutan
Hindi kita malilimutan
Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman (oh)
Sa 'king palad ang yong pangalan
Malilimutan ba ng ina (oh)
Ang anak na galing sa kanya
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano niya matatalikdan (paano niya oh)
Ngunit kahit na malimutan
Ng ina ang anak niyang tangan
Hindi kita malilimutan (hindi kita malilimutan)
Kailanma’y di kita pababayaan (pababayaan)
Hindi kita malilimutan (hindi kita malilimutan)
Kailanma'y di kita pababayaan
Hinding-hindi pababayaan