Awit Sa Ina Ng Santo Rosaryo

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak at mayroong liwanag na tatanglaw sa ating pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha at siyang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga
At kahit anong tindi ng unos at kahit anong tindi ng dilim
May isang inang nagmamatyag nagmamahal sa 'tin

Awit niya'y pag-ibig ng Diyos tawag niya'y magbalik-loob
Turo nya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob

O Inang mahal narito kami awit awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng amang mapagmahal (ah)

O inang mahal narito kami't awit awit ang Ave maria
Sa anak mong si Jesus buhay namin ay iaalay
Ang rosario mo't hawak namin at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit sa amang mapagmahal

Canzoni più popolari di Philippine Madrigal Singers

Altri artisti di Religious