Pinoy Ako
Lahat tayo'y mayrong pagkakaiba
Sa tingin pa lang ay makikita na
Iba't ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala
Kung sino ka mang talaga
Pinoy ikaw ay Pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang Pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako Pinoy tayo (Pinoy tayo)
'Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayron mang masama at maganda
Wala namang perpekto
Basta magpakatotoo
Oh
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala
Kung sino ka ngang talaga
Pinoy ikaw ay Pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang Pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako Pinoy tayo
Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala ring mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Anumang sa iyo'y mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin
Pinoy ikaw ay Pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang Pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako Pinoy tayo (Pinoy tayo)