Nais Ko

Ryan Cayabyab

Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy

Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay wala nang hangarin pang tunay
Nais ko nais ko

Nais kong maulit ang buhay kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa ulit-ulitin pa ang buhay ko

Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay wala nang hangarin pang tunay
Nais ko nais ko

Nais kong maulit ang buhay kung may pagkakataon
Upang mamalas ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay

Nais kong maulit pa ulit-ulitin pa ang buhay ko (nais ko)
Nais kong mabuhay muli (nais ko)
Nais kong maulit muli ulitin muli ulitin muli paulit-ulit-ulit muli (nais ko nais ko)
Paulit-ulit-ulit muli (nais ko nais ko)
Paulit-ulit-ulit muli (nais ko nais ko)
Ito ang nais ko

Curiosità sulla canzone Nais Ko di Ogie Alcasid

In quali album è stata rilasciata la canzone “Nais Ko” di Ogie Alcasid?
Ogie Alcasid ha rilasciato la canzone negli album “Phases” nel 1997, “Ogie Acoustic” nel 2002, “The Great Filipino Song Book” nel 2008, e “Koleksyon Classic OPM Hits” nel 2014.
Chi ha composto la canzone “Nais Ko” di di Ogie Alcasid?
La canzone “Nais Ko” di di Ogie Alcasid è stata composta da Ryan Cayabyab.

Canzoni più popolari di Ogie Alcasid

Altri artisti di Romantic