Basang-Basa sa Ulan
Ang buhay ko ngayo'y ibang-iba
Munti kong daigdig ay malawak na
Ngunit ako'y hindi pa rin natutuwa
Sa kinang ng kapalara'y nababalisa
Dumi at putik ba'y nahuhugasan
Ng bawat patak ng malakas na ulan
Ang tubig kong husto'y nakabubuhay
Kung labis ang singil nito ay buhay
Heto ako basang basa sa ulan
Ulan ng kasikatan di ko inaasahan
Ngunit may araw rin lahat nito'y lilipas
Mapagkunwaring ligaya kukupas at magwawakas
Ginawa akong bulag na nakakakita
At isang bingi na nakaririnig
Ngunit bulag muli kung silang kaharap
At bingi kung sila ang nakakausap
Heto ako basang basa sa ulan
Ulan ng kasikatan di ko inaasahan
Ngunit may araw ring lahat nito'y lilipas
Mapagkunwaring ligaya kukupas at magwawakas
Heto ako basang basa sa ulan
Ulan ng kasikatan di ko inaasahan
Ngunit may araw ring lahat nito'y lilipas
Mapagkunwaring ligaya kukupas at magwawakas
Heto ako basang basa sa ulan
Ulan ng kasikatan di ko inaasahan