Pasko Dito Sa Amin

Ang pasko dito sa amin
Ay walang puting ulan
Ngunit malamig ang simoy ng hangin
At makulay ang mga tanawin
Mayroong ngiti sa bawat isa
May pagmamahal kang madarama
'Yan ang pasko dito sa amin
Mapayapa at masaya
Ito ang paskong aking kinagisnan
Patuloy at laging ganyan
Masagana at payak na hapagsaluhan
Ito ang pasko dito sa aming bayan
Ang pasko dito sa amin
Si Santa Claus ay laging dumarating
Mga mabubuting ninong at ninang
Kamag-anak kaibigan at mga magulang
Mayroong dalang mga regalo
Pagkain at kung ano-ano
Dito sa amin ang pasko
Likas ang pagbibigayan
Ito ang paskong aking kinagisnan
Patuloy at laging ganyan
Masagana at payak na hapagsaluhan
Ito ang pasko dito sa aming bayan
Ang pasko dito sa amin
Ay walang puting ulan
Ngunit malamig ang simoy ng hangin
At makulay ang mga tanawin
Mayroong ngiti sa bawat isa
May pagmamahal kang madarama
'Yan ang pasko dito sa amin
Dito sa amin ganyan ang pasko
'Yan ang pasko dito sa amin
Mapayapa at masaya

Canzoni più popolari di Noel Cabangon

Altri artisti di Asiatic music