Panginoon
Panginoon patnubayan mo
Nawa ang bayan ko nang aming matanto
Katotohanan na walang hanggan
Nawa'y iyong ihayag sa bayan kong naduduwag
Sana'y dinggin ang aming dalangin
Muling gisingin ang bayan kong nahihimbing
Pag-isahin ang aming diwa't damdamin
Pagkat ikaw poon ang kapayapaan
Ikaw poon ang katarungan
Ang buhay at daan ang katotohanan
Panginoon patnubayan mo
Nawa ang bayan ko ngayon ay magbago
Katotohanan nawa'y panindigan
Nang pag-asa'y sumilay sa bayan kong minamahal
Sana'y dinggin ang aming dalangin
Muling gisingin ang bayan kong nahihimbing
Pag-isahin ang aming diwa't damdamin
Pagkat ikaw poon ang kapayapaan
Ikaw poon ang katarungan
Ang buhay at daan ang katotohanan
Pagkat ikaw poon ang kapayapaan
Ikaw poon ang katarungan
Ang buhay at daan ang katotohanan
Panginoon patnubayan mo