O Bayan Ng Diyos
O bayan ng Diyos itaas ang kamay at magdiwang
Awit ng sigla ibaling sa kalangitan purihin ang Diyos na buhay
Tayo'y Kanyang mahal inaaruga na't kinagigiliwan pa
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay saya
O Bayan ng Diyos itaas ang kamay at magsayaw
Liwanag ng Diyos nagpawi ng kadiliman pangungulila't lungkot
H'wag nang mag-alala puso nating aba nilikha N'yang tahanan N'ya
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay sigla
Kung sarili N'yang Anak pinagkaisa N'ya
Sa sisinghap-singhap na bayan nating makasarili makasalanan
H'wag nang mag-alinlangan pang tayo'y Kanyang sasamahan
Kailanma'y 'di tayo iiwan kailanma'y 'di tayo iiwan
O bayan ng Diyos itaas ang kamay at magdiwang
Awit ng sigla ibaling sa kalangitan purihin ang Diyos na buhay
Tayo'y Kanyang mahal inaaruga na't kinagigiliwan pa
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay saya
O Bayan ng Diyos itaas ang kamay at magsayaw
Liwanag ng Diyos nagpawi ng kadiliman pangungulila't lungkot
H'wag nang mag-alala puso nating aba nilikha N'yang tahanan N'ya
Pag-ibig N'ya'y kay lalim pag-ibig N'ya'y kay lalim
Pag-ibig N'ya'y kay lalim kay sigla
Kay lalim kay sigla