Kumot At Unan

Mabuti pa ang kumot mo kasama 'pag gabi
Mabuti pa ang unan mo kayakap sa tabi
Sa pag-uwi mo sila ang 'yong kasama
At sa pagtulog wala nang iba

'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Mabuti pa ang panyo mo may dampi sa 'yong pisngi
At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti
Sa pag-uwi ko 'yan ang naaalala
At sa pagtulog wala nang iba

'Yan ba nama'y malilimutan ko pa
Kung maari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Pangarap kita
Kahit papa'no pa kita isipin
Pangarap kita
Dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita
Gawin mo sana akong pangarap mo rin

Kung maari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Mabuti pa ang baso may tikim ng 'yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
Sa 'king paggising 'yan ang naaalala
Tuwing umaga wala nang iba

'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Maari lang naman
Ikaw na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo hmm

Canzoni più popolari di Noel Cabangon

Altri artisti di Asiatic music