Kailan Pa

Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana naman ay makilala

Ilang ulit nang nagkabangga
Gamit mong dala'y pinulot ko pa
Ngunit 'di ka man lang nakilala

Bawat araw sinusundan
Umaasa sa 'yong tingin
Anong aking dapat gawin

Bakit kaya iniiwas
Suot ko ba'y luma't butas
Ibig kitang makilala

Pagka't mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na ba kitang makilala

Bawat araw sinusundan
Umaasa sa 'yong tingin
Anong aking dapat gawin

Kailan kailan mo ba mapapansin ang aking lihim (kailan)
Kahit anong aking gawin 'di mo pinapansin
Kailan kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin (kailan)
Kahit anong gawing lambing 'di mo pa rin pansin
Oh hmm oh

Bakit kaya umiiwas
Suot ko ba'y luma't butas
Nais ko lang magpakilala

Bawat araw sinusundan
Umaasa sa 'yong tingin
Anong aking dapat gawin

Kailan kailan mo ba mapapansin ang aking lihim (kailan)
Kahit anong aking gawin 'di mo pinapansin
Kailan kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit anong gawing lambing 'di mo pa rin pansin
Oh oh hmm

Canzoni più popolari di Noel Cabangon

Altri artisti di Asiatic music