Hari Ng Kalye
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye
Kung lumakad siya'y hari ng kalye
Pasalit-salit kung gumiri sa jeepney
Puso niyang 'sing tigas ng aspalto
Laman ng kalye umaraw bumagyo
Anong gara niyang pagmasdan
Sa pakikipagpatentero sa sasakyan
Alikabok siya ng ating lipunan
Nag-aagaw buhay para maghanap-buhay
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye
Ang kaaway niya'y ibang barkada
Hari din ng kalye kung pumorma-porma
Ang pinagtatalunan nila'y kontrol sa daan
Pero kadalasan paastig-astig lang
Galit siya sa mundo galit sa mayayaman
Galit sa pulis galit sa mayayabang
'Di niya alam ang tunay na kalaban
Silang may sanhi ng kahirapan
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye
Ang sabi ng ale dapat siya'y nag-aaral
Ang sabi ng mama dapat siya'y inaruga
Kawawang bata pabayang magulang
Ngunit wala namang tumutulong pulos daldal
Nandiyan lang sila na parang dyaryo
Makikita araw-araw bukas 'di na bago
Ang buhay nila kung ihahambing mo
Isang hithit lang upos nang sigarilyo
Ang sabi ng ale dapat siya'y nag-aaral
Ang sabi ng mama dapat siya'y inaruga
Kawawang bata pabayang magulang
Ngunit wala namang tumutulong pulos daldal
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye hari ng kalye
Hari ng kalye