Handog

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang isang awitin

Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking bulsa at tiyan ay nagkalaman
Kaya't itong awitin aking inaawit
Nais kong kayo ay handugan

Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo
Narinig ang tinig ko at naintindihan
Dahil dito'y ibig ko kayong
Ituring na matalik kong kaibigan

Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil minsan tayo'y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais marating hmm

Canzoni più popolari di Noel Cabangon

Altri artisti di Asiatic music