Bulag Pipi Bingi

Madilim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan ligtas ka sa kasalanan

Piliin mang umawit hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sayong pumapansin
Sampung daliri kaibigan d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang dakila ka sa sinuman

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ano sa 'yo ang musika sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid awitan ay 'di madinig
Mapalad ka o kaibigan napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo walang daing walang gulo

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal (di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo)
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Oh

Curiosità sulla canzone Bulag Pipi Bingi di Noel Cabangon

Quando è stata rilasciata la canzone “Bulag Pipi Bingi” di Noel Cabangon?
La canzone Bulag Pipi Bingi è stata rilasciata nel 2011, nell’album “Panaginip Christmas (Special Edition)”.

Canzoni più popolari di Noel Cabangon

Altri artisti di Asiatic music