Ang Kaluluwa Ko'y Nauuhaw
Katulad ng lupang tigang
Walang tubig ako'y nauuhaw
O Diyos hangad kitang tunay
Sa iyo ako'y nauuhaw
Kaya ika'y minamasdan
Doon sa iyong dalanginan
Nang makita kong lubusan
Lakas mo't kaluwalhatian
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko
Ang kagandahang loob mo
Higit sa buhay sa mundo
Kaya ako'y magpupuri
Ngalan mo'y aking sasambitin
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko