Sakayan Ng Jeep

Lagi laging naghihintay (lagi)
Lagi laging nagbabantay (lagi)
May kung anong (kung anong)
Kilig na nadarama
Sa tuwing nakikitang nag-aabang

Pag-gising ko bintana'ng tinutungo
Tinitingnan kung nandun na ang mahal ko
Umaasang maabot ng tanaw
Habang naghihintay ng sakay niya

Dun sa sakayan ng jeep
Madalas sinisilip
Dun sa sakayan ng jeep
Minsan ay naiinip
Dun sa sakayan ng jeep
Para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya sa sakayan ng jeep

Minsan nakitang naghihintay
Kunyari ako ang inaantay
Ngunit nakitang may kasabay
Ang puso ko'y nagkagutay-gutay

Dun sa sakayan ng jeep
Madalas sinisilip
Dun sa sakayan ng jeep
Minsan ay naiinip
Dun sa sakayan ng jeep
Para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya sa sakayan ng jeep (oh)

Minsan kami ay nagkasabay
Magkatabi ngunit walang saysay
Hindi na siya ang aking hinihintay
Lagi na ako ngayong may ibang kasabay

Dun sa sakayan ng jeep
Madalas sinisilip
Dun sa sakayan ng jeep
Minsan ay naiinip
Dun sa sakayan ng jeep
Para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya sa sakayan ng jeep

Oh dun sa sakayan ng jeep (lagi na lang ako)
Madalas sinisilip (naghihintay sa'yo)
Dun sa sakayan ng jeep
Minsan ay naiinip (dun sa sakayan)
Dun sa sakayan ng jeep
Para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya sa sakayan ng jeep

Canzoni più popolari di Nikki Gil

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)