Naantala
Anong araw na ba
Hapi bertdey ko pala
Di pa rin makagalaw
Bukas ay di matanaw
Nakaalala
Nanalangin
Nagpasalamat
Na may kinain
Walang kikilos
Walang gagala
Nakaabang ang
Ligaw na bala
Samantala
Naantala
Nangangarap
Na lumaya
Oras ay bumabagal (ho ho)
Buhok ay kumakapal
Di pa rin makahinga
Wala pa ring pahinga (ho ho)
Gustong matulog
Gustong magising
Anong sunod na
Panunuorin
Paralisado
Walang trabaho
Masalimuot
Binabangungot
Samantala
Naantala
Nangangarap
Na lumaya
Buksan ang damdamin
Mundo'y hihilom din
Buksan ang damdamin (buksan ang damdamin)
Mundo'y hihilom din (mundo'y hihilom din)