Tagu-Taguan [Halfway Point]
Minsan isang araw puso'y napasigaw nahuhulog sa iyo't di ko na matanaw
Pangangatwiran ko'y 'di na mapagkatiwalaan
Umasa sa iyong 'di na mabibitawan na baka sakali lang 'di na masasaktan
Ngunit pangangatwiran mo'y di mapagkatiwalaan
Kaya't pipikit na lang
Tagu-taguan maliwanag ang buwan masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo nakatago na ako ibalik ako sa nakaraan
Langit ang natanaw pangarap ay ikaw lupa ang nabigay
Di nakapaghintay sana nagpatintero at naiwasan ang impyerno
Kaya't pipikit na lang at baka sakali lang
Tagu-taguan maliwanag ang buwan masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo nakatago na ako ibalik ako sa nakaraan
Pagdating sa dulo ako'y nasaktan mo sinubukang ‘paglaban sigaw ng puso ko
Ngunit ba't pipilitin ang di naman para sa akin oh
Tagu-taguan maliwanag ang buwan masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo nakatago na ako ibalik ako sa nakaraan
Ng tagu-taguan maliwanag ang buwan masarap magmahal pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo nakatago na ako ibalik ako sa nakaraan
Nang 'di pa iniwan nang 'di pa iniwan nung 'di mo iniwan nung 'di mo na iwan