Pabilin

Marvin Jason D. Hernandez, Moira Rachelle B. Dela Torre

Ipikit man ang mata't,
Hilingin na siya ay muling
Kasama, kausap, kapiling

Kailangang tanggapin
Na wala na siya saakin ngunit
Eto ang mga pabilin

Yakapin mo siyang mahigpit
Pag siya ay galit
Manatili sakanyang tabi

Hawakan ang kanyang mukha
Tignan ang mata
Ipaalalang kakampi ka niya

Sana'y gawin ang lahat
Ng di ko nagawa

Wag ibalewala
Ang mga oras na siya'y
Masungit, at ulo'y mainit

Pag kailangan ka niya
Wag kang mag antala
Siya'y amuhin, at yong pakainin

Yakapin mo siyang mahigpit
Pag siya ay galit
Manatili sakanyang tabi

Hawakan ang kanyang mukha
Tignan ang mata
Ipaalalang kakampi ka niya

Sana gawin ang lahat
Ng hindi ko nagawa

Sana'y wag magpahuli
Bilang lamang ang sandali
Di man natin gustuhin
Ang oras ay di
Sa atin

Yakapin mo siyang mahigpit
Sa bawat sandali
Na parang yon na ang huli

Sabihin ang nadarama
Na Mahal mo din siya
Wag nang hintaying mawala

Lagi mo siyang kantahan
At lagi mong papakinggan
Sana'y gawin ang lahat
Ng di ko nagawa

Curiosità sulla canzone Pabilin di Moira Dela Torre

Quando è stata rilasciata la canzone “Pabilin” di Moira Dela Torre?
La canzone Pabilin è stata rilasciata nel 2021, nell’album “Pabilin/Pagitan - Single”.
Chi ha composto la canzone “Pabilin” di di Moira Dela Torre?
La canzone “Pabilin” di di Moira Dela Torre è stata composta da Marvin Jason D. Hernandez, Moira Rachelle B. Dela Torre.

Canzoni più popolari di Moira Dela Torre

Altri artisti di Film score