E.D.S.A Emosyong Dinaan Sa Awit [Halfway Point]

Oh kay tagal na 'kong naghihintay
Kahit malayo na ang nilakbay
Nandirito pa rin ako hanggang ngayon
Bitag ng lahat ng emosyon

Paano nga ba kumawala
Paano lumaban kung suko ka na
Paano umibig kung ayaw mo na
Ika'y nanatili sa aking tabi

At 'pinaalala mo sa aking nandito ka pa rin
Nakikipaglaban sa bawat hakbang
Nagpapanggap na ako'y matapang
Naaalala ang mga nakaraan

Lahat ng mga natalong laban
Ang pagsisisi tinanggal sa huli
Paano lumaban kung suko ka na
Paano umibig kung ayaw mo na

Ika'y nanatili sa aking tabi
At 'pinaalala mo sa aking nandito ka pa rin oh woah hmm
At kahit mali'ng nadaanan
Hindi mo iniwan at ako'y 'pinaglaban

Lahat man ay maglaho
Tinupad ang pangakong
Hinding-hindi ka magbabago hu hu hu hu
Ikay'y nanatili sa aking tabi

At 'pinaalala mo sa aking ako'y sa 'yo pa rin

Canzoni più popolari di Moira Dela Torre

Altri artisti di Film score