Ambon

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
Kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
Araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang tumunaw
Sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas

Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan umaambon lamang

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitilain ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ay ambon
Paano na ito oh

Di mapaliwanag ang dala na aking nadadarama
Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam

Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan umaambon lamang

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitigilin ang ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ay ambon
Paano na ito oh (oh)

Paano ba patitigilin ang (paano na ito)
Pagbuhos ng bagyo (paano na ito)
Pagbuhos ng bagyo

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitigilin ang
Pagbuhos ng bagyo
Pagbuhos ng bagyo (paano ba patitigilin ang)

Paano ba patitigilin ang
Pagkahulog ko sayo
Pagkahulog ko sayo (paano ba patitigilin ang)

Paano ba patitigilin ang
Pagbuhos ng bagyo
Pagbuhos ng bagyo

Sana ay maanggihan man lang ako (paano ba patitigilin ang)
Sana sana (pagbuhos ng bagyo)
Salubunging ko ito sayo (pagbuhos ng bagyo)

Paano ba patitigilin ang
Pagbuhos ng bagyo
Pagbuhos ng bagyo

Paano ba patitigilin ang
Pagkahulog ko sayo
Paggkahuloy ko sayo (pagkahulog ko sayo)

Paano ba patitigilin ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ambon
Paano na ito
Kung ang gusto mo lang ay ambon

Canzoni più popolari di Migz

Altri artisti di Contemporary R&B