Takda

Sinabit ko sa bintana ang aking hiling
Saad ang mahabang listahan ng 'yong muling pagdating
May sukli nga ba ang maghintay
Mahigawa ang dahilan kung ba't 'di ka abot kamay

Hinulog ko sa balon ang pisong dasal
Sana'y singbilis lang ng patak ang masaktan

Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay
Hindi ba't tulad nating tumatanda't namamatay
Minsan lang minsan pa subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda

Katulad mo din ba ako pangarap ang magbalik
Sa araw na tayo ay wala pang alam
Sa unang araw na magtagpo na masarap ang maging mangmang
Na hindi iniisip na magtatapos ang saya

Hinulog ko sa balon ang pisong dasal
Sana'y singbilis lang ng patak ang masaktan

Ang pagmamahal nga ba'y naghihintay
Hindi ba't tulad nating tumatanda't namamatay
Minsan lang minsan pa subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Minsan lang minsan pa subukan ng tadhana
Kung h'wag na lang o tayo ba ang takda
Ang takda

Ang takda
Ang takda
Ang takda

Canzoni più popolari di Maude

Altri artisti di Contemporary R&B