Labis Kitang Mahal
[Verse 1]
Nakikita ko sa 'yong mata
Ang paghihirap na ngayo'y dala-dala
Iniwanan kang bigo ang puso
At 'di magawang patuloy na limutin siya
[Pre-Chorus]
Ako sa 'yo'y nakikiusap
Sarili ay kaawaan mo
Narito ako, tutulungan ka
Sa paghihirap mo
[Chorus]
Hindi ka sasaktan
Lagi kang pagbibigyan
Mauunawaan ko kung mayroon kang pagkukulang
Ganyan ka kamahal
Hanggang sa kailanman
Ay iibigin ka dahil labis kitang mahal
[Verse 2]
Sa piling ko'y 'di ka luluha
Ang buhay mo ay pupunan ko ng tuwa
Palagi ka na iibigin
Yan ang pangako at sa 'yo'y aking sumpa
[Pre-Chorus]
Ako sa 'yo'y nakikiusap
Sarili ay kaawaan mo
Narito ako, tutulungan ka
Sa paghihirap mo
[Chorus]
Hindi ka sasaktan
Lagi kang pagbibigyan
Mauunawaan ko kung mayroon kang pagkukulang
Ganyan ka kamahal
Hanggang sa kailanman
Ay iibigin ka dahil labis kitang
[Bridge]
Pinakamamahal
At sa 'yo'y patutunayan
Sana pag-ibig ko'y maramdaman
Maramdaman
[Chorus]
Hindi ka sasaktan
Lagi kang pagbibigyan
Mauunawaan ko kung mayroon kang pagkukulang
Ganyan ka kamahal
Hanggang sa kailanman
Ay iibigin ka dahil labis kitang mahal, hmm
Labis kitang mahal