Ikaw Lamang
Bakit ba tadhana ay mapaglaro
Biglang tayo pinaglayo
Buhay natin na masaya naglaho
Di kayang mabuhay sa mundo
Nawala kang katabi
Laman ng aking puso ay ikaw
Nung ikaw ay nawala
Buhay ko ay wala ng halaga
Ikaw lamang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko’t pagmamahal sayo’y iaalay
Aking mahal
Puso’y nagdurusa may lumbay na nadarama
Hiling ko sa langit
Na muli kang mayakap ng kapiling
Umaasa pa rin sa liwanag ng bituin
Makikita kitang muli
Buhay natin na masaya magbabalik
Ikaw ang buhay ko
Puso kong ito tibok ay ikaw
Ikaw lamang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko’t pagmamahal sayo’y iaalay
Aking mahal
Nung tayo’y magkalayo
Magunaw man ang mundo
Pag ibig ko sayo
Kailanman di maglalaho
Ikaw lamang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko’t pagmamahal sayo’y iaalay
Ikaw lamang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko’t pagmamahal sayo’y iaalay
Aking mahal
Ikaw lamang aking mahal
Ikaw lamang