Hahanapin Ko

Hahanapin ko ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko
Ang halakhak mo kahit na kung saang dako
Hahanapin ko umaga tanghali gabi
Dahil hindi kita lilimutin
Kahit na sandali

Hahanapin ko ang sikat ng araw mo
Pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko
Dagat mo at buwan ang tag-araw at tag-ulan
Hahanapin sa timog hilaga't kanluran
Hahanapin ko sa pangingibang bayan

At sa aking paglayo
Dadalhin sa aking paglipad
Babaunin init ng iyong araw
Sinag ilaw at luningning
Sa akin paglayo dadalhin ang lahat
At nang di na hanap-hanap ka pa
Kung iiwan kita hanap din lang t'wina
Aanhin pa ang maglakbay di ba

Hahanapin ko ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko
Ang halakhak mo kahit na kung saang dako
Hahanapin ko t'wina at kung di makita
Aanhin ko pa ang gawang iwanan ka

Canzoni più popolari di Martin Nievera

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)