May Laya [Theme from "Indio"]
Hangin halina upang tumawid
Ako't irog ko sa himpapawid (sa himpapawid sa himpapawid)
Ibig ko munang iwanan ang putik
Upang sumakay saglit sa langit
Magsusumbong din kami sa laot
Tungkol sa dayong biglang nanakop
Baka sa sulok ng mga sulok
Matagpuan ko ang aming Diyos
Mahal alaga
Mahalagang maging may malaya
Maging diwata
Mahal alaga
Mahalagang maging may malaya
Maging diwata
Bakit ang lupa ay dapat kunin
Mula sa amin ng kanluranin (ng kanluranin ng kanluranin)
'Di pa ba sapat ang pakainin
At painumin ng dugo namin
Kailangan bang ibuwis ang buhay
Akala ko ba wagas ang pakay
Ano at tangay ang kayamanang
Likas at likha ng kapwa mortal
Mahal alaga
Mahalagang maging may malaya
Maging timawa
Mahal alaga
Mahalagang maging may malaya
Maging timawa
O kalayaan na pag-aari
'Di kami payag mawala muli (mawala muli mawala muli)
Mula sa hari't reyna kunwari
Pipilitin kong ika'y mabawi
Bunso't panganay samahan ako
Iyong saksihan ang pagbabago
Handog namin ito ng inay mo
Para sayo para sayo
Mahal alaga
Mahalagang maging may malaya
Maging malaya
Mahal alaga
Mahalagang maging may malaya
Maging malaya
Malaya