Ako'y Maghihintay [Duet]

Alam kong ikaw ay bata pa walang malay sa mundo
Ngunit damadamin ko sayo’y tila nahuhulog

Bata mang ituring ako’y mayroong pagtingin
Huwag mo sanang mapansin ako’y naglalambing

Dahil hindi pa tamang panahon
Upang magmahalan kahit na puso ay nasasaktan (upang magmahalan nasasaktan)

Ako’y maghihintay lamang sa iyo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis magbibigay kahit umabot pang habang buhay
Ako’y maghihintay (ako’y maghihintay)

Habang ako’y naghihintay huwag sanang magbago
Hindi ko kakayanin na ikaw ay lumayo

Darating din ang araw at sasabihin ko
Kung ano ang tunay kong nadarama sa iyo

Ngunit hindi pa tamang panahon upang magmahalan (upang magmahalan)
Kahit na puso ay nasasaktan (nasasaktan)

Ako’y maghihintay lamang sa iyo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis magbibigay kahit umabot pang habang buhay

Ay hindi magbabago (hindi magbabago)
Ang damdamin ko sayo (ang damdamin ko sayo)
At balang araw ay magtatagpo ang mga puso (magtatagpo ang mga puso)

Ako’y maghihintay lamang sa iyo
Hanggang umabot tayo sa takdang panahon
Magtitiis magbibigay kahit umabot pang habang buhay
Ako’y maghihintay (ako’y maghihintay)
Ako’y maghihintay (maghihintay)

Canzoni più popolari di Mark Bautista

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)