Umiibig Na Ba
Nang simulang tugtugin ang isang piyesa
Sa gitarang ang tunog ay kakaiba
Mistulang naantig mo yata’ng puso ko
Tulala ako sa pagtugtog mo
Isang kaklase na di ko dating pinapansin
Ngayo’y kulang na lang ikay aking yakapin
Wala na yatang oras na di nakatingin
Sa kislap ng ‘yong mata sana’y unawain
Umiibig na ba
Umiibig na ba ako sayo
Umiibig na ba
Yan nga ba'ng talagang tawag dito
Umiibig na ba
Kailan mabibighani ang puso mo
Sa tulad kong pihikan hirap pakisamahan
Nakakadiyahe namang marinig mismong sa iyo
Sa mga bagong dating, sarado na ang puso mo
Ngunit ngayon bakit kamay ko ay hawak hawak mo
Tayo na nga ba baka lambing ay ‘di totoo
Umiibig na ba
Umiibig ka ba sa tulad ko
Umiibig na ba
Siguraduhin mong ya’y hindi laro
Umiibig na ba
Pintig ng puso ko ay pakinggan mo
Sinasabing ikaw lang, ikaw ang mahal ko