Lihim
Kaya mo pa bang ibigin
Kung aking sasabihin
Na ako ay mayroong tinatagong lihim
Pag iyo pang malaman
‘Di ka kaya lumisan
Pag iniwanan mo’y masasaktan lamang
Sana naman ay huwag mong iisipin
Na ‘di ko kayang ikaw ay ibigin
Ang lihim ni Annasandra
‘Di mo pansin sa umaga
Ngunit pagsapit ng dilim
Nariyan na siya
Ang lihim ni Annasandra
Tanging ikaw ang pag-asa
Sana’y ibigin mo
Kahit malaman mo
Ang lihim ni Annasandra
Sana naman ay huwag mong iisipin
Na ‘di ko kayang ikaw ay ibigin
Ang lihim ni Annasandra
‘Di mo pansin sa umaga
Ngunit pagsapit ng dilim
Nariyan na siya
Ang lihim ni Annasandra
Tanging ikaw ang pag-asa
Sana’y ibigin mo
Kahit malaman mo
Ang lihim ni Annasandra
Ang lihim ni Annasandra