Kalakasan
Tuwing naninimdim, kayo ang liwanag sa dilim
Sa gitna ng takot, kalakasan nyo'ng bumabalot
Nanatili kayo sa akin
binuksan nyo ang kalangitan
Kahit kaila'y di nyo iniwan
Panginoon, kayo'ng kalakasan ko
Puso'y nagtitiwala lamang sa inyo
Panginoon.
Kayo lamang kanlungan, takbuhan ko
Mapagod ma'y kayo'y nandyan
makikinig sa aking sumbong
Panginoon
di nababalisa, panatag sa inyo o Ama
Kayo ang dahilan sa ginhawa na nadarama
Nanatili kayo sa akin
Bitbit ko'y inyong pinagaan
Kahit kailan di ka lumisan
Kayo ang lakas at tanggulan
Sa inyo ay langit
Nag-iisang tanging takbuhan
Sa inyo lang lalapit