Daluyan
Nakamamangha
Ang inyong kaluwalhatian
Nakamamangha
Ang inyong kadakilaan
Panginoon, maghari ka sa buong sanlibutan
Ang buhay ko'y gamitin n'yong daluyan
At maihayag ang inyong kadakilaan
at maipamalita ang wagas niyong kabutihan
O Panginoonm ang inyong likha ay
nananabik na muling makapiling
ang Diyos, sandigan namin
Ang inyong kahariang nananahan sa'ming puso
Ang siyang kalakasan
na di matitibag ng sino
Panginoon, kayo ang kasagutan sa lahat
Kaya't buhay ko'y gamitin niyong daluyan
Di sasayangin bawat oras
Habang ako'y humihinga
Ang aking buhay ay daluyan ng pag-ibig nyo Ama
Aming ihahayag ang inyong kadakilaan
ipamamalita ang wagas niyong kabutihan
O Panginoon, ang inyong likha
ay nananabik na muling makapiling
ang Diyos, sandigan namin
O Diyos, Panginoon namin