Sa Isang Awit

ANDREI B. PANALIGAN

Noon ang aking buhay
Ay walang kulay
Mga sandaling laging
Napupuno ng takot
Parang nababalot
Sa kahapong kaypait
Para bang mundo'y sa akin
Ay nagagalit

Ngunit dahil sa awit mga pangarap
Aking mararating

Ako'y nangarap
Ako'y lumaban
Kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi
Naniniwala
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap
Ay aking nakamit

Ngayon ang aking buhay
Ay may kulay
Mga sandaling laging
May dalang ligaya
Ang bawat umaga
Puno ng pag-asa
Napawi nang lahat ng paghihirap
At dahil sa isang awit mga pangarap
Ay aking narating

Ako'y nangarap
Ako'y lumaban kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi naniniwala
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap ay aking nakamit

Lumaban ka
Wag na wag susuko
Maniwala lang na may mararating

Ako'y nangarap
Ako'y lumaban kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi naniniwala
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap ay aking nakamit

Mga pangarap ay aking nakamit

Curiosità sulla canzone Sa Isang Awit di Lyca Gairanod

Chi ha composto la canzone “Sa Isang Awit” di di Lyca Gairanod?
La canzone “Sa Isang Awit” di di Lyca Gairanod è stata composta da ANDREI B. PANALIGAN.

Canzoni più popolari di Lyca Gairanod

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)