4LOB (For Love Of Bogus)

Jeremy Ganzon, Rino Ibanez

Yung tulad ko na binata ikaw nag bihis saken
ikaw nag mulat na sa kalye ay maraming paing
ikaw nag sabing di lahat kasama mo kumaen
ikaw ang sasalo kapag disgrasya lumalapit saken
Kaya nung dumating yung panahong wala ka
Sa mundo na to ako'y nangangapa pa
Hinuhugot sa nakaraan yung bala
Panganib kaakibat dala ng pakikisama
Kaya nung dumating yung panahong wala ka
Sa mundo na to ako'y nangangapa pa
Hinuhugot sa nakaraan yung bala
Panganib kaakibat dala ng pakikisama
Hook
Sa pinasok ko na buhay 'to ay 4 Life
Kaliwa at kanan yung panganib All night
sa kalsadang malagim samu't saring
pangyayare na hindi mo aasahang masakit
2x
verse
Masakit ang dinulot ng lahat
Pero aral kapalit kapag tinatanggap
Kaya sa mura kong edad ang daming naganap
Mulat na sa putukan pangyayareng masaklap
Bawian ng away sumusugod sa bahay
Parang araw araw tumutubo yung sungay
Daming atraso sino sino karamay?
Puro kaibigan kapag oras ng lamay
Wala kang lalapitan kundi kadugo mo lang
Yan ang sabe mo sa aken nung sa gulo na nalibang
Hanggang ang sarili kong karanasan ay naging guro ko nalang
At mga nakita sayo paalala mo nalang
Dun natapos... pero yung nasagap ko tuloy parin
Tikas ng angas sa lahi ay iba rin
Kaalaman sa kalsada dala parin
Hanggang dulo natural ako na magniningning
Hook
Sa pinasok ko na buhay 'to ay 4 Life
Kaliwa at kanan yung panganib All night
sa kalsadang malagim samu't saring
pangyayare na hindi mo aasahang masakit
2x

Canzoni più popolari di Luci J

Altri artisti di Asian hip hop