Meron Pa

Marlon Peroramas, Kezia Vanyel Alexi KV Granada, Jim “Jim P” Poblete, Kezia Vanyel Alexi “KV” Granada, Ryan Pineda, RJ Pineda

INTRO (KV):
Ooh ooh
May bangka ng magagaling
Pero tinatahak nila landas na madilim
Puro patibong para malaglag dun sa bangin
Pera gusto ng mga pating
Sobrang nakakaaning
Magpatiwakal kaya gamit sariling angkla? (angkla, angkla)
Pero ang tanong
May ikakasa pa ba?
HOOK (KV):
Meron pa
Hanggang sa huling hininga
Hanggang magtugma
Ibibigay ko lahat
Yung tao lang sa salamin aking kalaban
Di pwede umiling (dahil inaasahan)
Bitwin sisipatin
Kahit tapak-tapakan
May ikakasa pa ba? (Meron, meron)
May ikakasa pa ba? (Meron, meron)
Yung tao lang sa salamin aking kalaban
Di pwede umiling (dahil inaasahan)
Bitwin sisipatin
Kahit tapak-tapakan
VERSE 1 (LOONIE):
Nirecord ko to dalawang araw bago marelease
Ngayon lang ako nakagawa ng ganto kabilis
Ilang weeks nang pabalik-balik sa studio, nagmimix
Namimiss ko na ang aking kids, daming gigs
Happenings, pagdiriwang at piging
Napilitan magtiis, sarili lang marketing
Kapatid ko budgeting, manager kong magaling (yeah)
Aggregator ko Believe, paborito ko ‘tong beat
Nabili ko to kay Jim, tapos KV for the win
At isang mahabang verse ang napili kong gawin
Kung ako ikaw siguradong mapipikon ka rin
Pag nabiktima ka na ng mga CEO sa scene
Sana naman makuha mo ang ibig kong sabihin
Sensitibong usapin na desididong ungkatin
Walang pake kahit sa kritisismo ulanin
Tatalo sayo kapwa Pilipino mo lang din
Daming inggit na gusto kang galitin
Daming sipsip na gusto kang gamitin
Madalas kabaliktaran ang kanilang sasabihin
Ikaw lunok na lang, kundi wala kang kakainin
Yung iba dyan ikaw ay aasintahin
Aapir sayo ikaw naman aapir ka din
Maya-maya bigla ka na lang papapirmahin
Tapos sa dulo biglang ikaw pa ang babaliktarin
Aba iba rin
Tapos marami pa ring inggit
Palaging nagngingitngit sa galit
Nakatiktik sa bawat tweet at retweet
Bwisit na bwisit gustong manakit
Kala mo naman talaga kayang kumalabit
Teka akala ko ba ako ay di mo trip
Pero nung ako’y nameet, bakit panay pavideogreet?
At picture picture, cheek to cheek
Mas hypocrite ka pa sa catholic na nagtitrick or treat
You piece of shit
Sunod-sunod na kamalasan naranasan
Sabay sabay porket alam na malakas kalaban
Pangalan ko ginagamit sa kalapastanganan
Ganyan talaga pag antas ay kataas-taasan
Ngunit sa kabila ng lahat ay magpapatuloy
Hindi magpapaluoy o aasa sa abuloy
Gamitan tamo ninyo ug tiradang pangmarukoy
Sasalubong sa alon pero sasabay sa ugoy
Panghihinaan ngunit di masisiraan ng loob
Kahit maraming maingay na nanghihila palubog
Tandaan na mas matulin ang liwanag sa tunog
Kaya ligtas ka sa kidlat pag narinig mo ang kulog!
Sa umaga nagrereport
Sa gabi nagrerecord,
At dahil can’t afford kelangang magcall center tech support
Kabilaan ang mga raket parang tennis court
Deadline na sa 24th
Kung pwede lang mag teleport
Help me lord!
Malabo mang marating, ganado kong gagawin
Mas gusto ko pang maging mas mahusay pa sa dating ako na akala ko ay masyado nang
magaling
Tanging tatalo sakin ay yung tao sa salamin
Di ako babasagin lalong papalakasin
Ang isip, puso, kaluluwa at katawan na rin
Meron na album ko sa spotify handa ng mastream
Kung tanong mo meron pa, marami pang paparating

Canzoni più popolari di LOONIE

Altri artisti di Asian hip hop