Sino Ang Baliw

Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw awit na walang laman
Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal sinungaling rin naman

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip di lubos
O husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kapos

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay di lubos
O husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kapos
Oh ah

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal siya'y higit na banal

Sinong dakila
Sino ang tunay na baliw
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip di lubos
O husto ang isip
Kaya't sino sino sino nga
Sino

Curiosità sulla canzone Sino Ang Baliw di Kuh Ledesma

In quali album è stata rilasciata la canzone “Sino Ang Baliw” di Kuh Ledesma?
Kuh Ledesma ha rilasciato la canzone negli album “Greatest Hits, Volume 2” nel 2008 e “Ako Ay Pilipino” nel 2009.

Canzoni più popolari di Kuh Ledesma

Altri artisti di