Dito

Raizo Chabeldin, Biv De Vera

[Intro]
Oh

[Verse 1]
Sa panaginip ko'y kayakap ka
Ngunit sa 'king paggising ay nag-iisa
Maari bang muling silayan pa
Nang mapawi hapding nadarama?

[Pre-Chorus]
Nang mawalay ka, sinta
Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo
Ng aking mundo

[Chorus]
Dito sa puso ko
Ay nangangarap na sana'y makapiling mo
Sa umaga't sa gabi
Laging maghihintay sa 'yong pagbabalik
Dito sa puso ko

[Verse 2]
Sadyang mapagdamot ang tadhana
Oras natin tila'y inagaw na
Limutin ma'y naalala pa
Bawat saglit ako'y umaasa

[Pre-Chorus]
Nang mawalay ka, sinta
Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo
Ng aking mundo

[Chorus]
Dito sa puso ko
Ay nangangarap na sana'y makapiling mo
Sa umaga't sa gabi
Laging maghihintay sa 'yong pagbabalik
Dito sa puso ko

[Chorus]
Oh, dito sa puso ko
Ay nangangarap na sana'y makapiling mo
Sa umaga't sa gabi
Laging maghihintay sa 'yong pagbabalik
Ooh, dito sa puso ko

Canzoni più popolari di Klarisse

Altri artisti di