Eto Na Naman Tayo
Ayaw ko ang parating na umaga
Dahil alam ko na ika'y aalis na
Kahit anong lambing at pigil ng pagyakap ko
Tuluyan mo pa ring tatalikuran ako
Kahit alam mo na kailangan kita
Hindi ka maawa't sa paglisan sinta
Paano ba ito ako'y gulong-gulo na
Dalangin ko na maibsan
Ang sakit na nararamdaman sinta
Eto ka na naman sa pag-papaalam mo
Eto na naman ako sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman sa halik at yakap mo
Eto na naman ako sa nararamdaman ko sa'yo
Ayaw ko na ng mga tawag mo
Mas lalo akong nalulungkot kakaisip sa'yo
Kapag napagtatanto ko na wala ka dito
Mas bumubigat ang pakiramdam ko
Alam ko mahirap ang sitwasyong ito
Pero hanggang saan at kailan ako magiging sa'yo
Paano ba ito ako'y gulong-gulo
Dalangin ko sana matapos na ang lahat ng ito
Lala
Eto ka na naman sa pag-papaalam mo
Eto na naman ako sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman sa halik at yakap mo
Eto na naman ako sa nararamdaman ko sa'yo
Pangarap ko sana
Dumating ang araw na ako lang
Ako na lang sana
Eto ka na naman sa pag-papaalam mo
Eto na naman ako sa pagluha ng mata ko
Eto ka na naman sa halik at yakap mo
Eto na naman ako sa nararamdaman ko sa'yo
Eto na naman tayo