Sayang [Acoustic]

Pa'no maibabalik
Kung hinayang maligaw
'Di naman nakikinig
Kahit anong lakas ng sigaw

Ng pusong
Nanlimos ng pansin
Ang dapat kailangan pang
Angkinin

Nanghihinayan
Ba't may paalam
Kung sana'y lumaban
Wala sanang nasugatan

Kahit na anong sakit
Ay hinayaang mag-isa
Kahit na isang imik
Walang narinig na salita

Saluhan
Ng sama ng loob
Ang pusong
Bumagal na ang tibok

Nanghihinayang
Ba't may paalam
Kung sana'y lumaban
Walang luhang pupunasan

Kahit mapawi pa ang sakit
'Di mambubura ang naukit
Pilit mang patungan ng ngiti

Nanghihinayang
Kung ba't nagpaalam
Kung sana'y lumaban
Kayakap pa sana

Hindi ka lumaban
Hindi lang ikaw ang nahirapan
Oh sayang
Wala sanang nasugatan

Oh

Canzoni più popolari di Kithara

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)