Bakante
Sinusulit konting oras kong bakante
Sa kwarto na kulob doon namamalagi
Doon nagrolyo, doon naka'rami
Ride tayo ng honda para sa mahabang biyahe
Ride tayo ng honda para sa mahabang biyahe
Walang naniniwala, meron, pero pinililit
Nandito mga tula, sa kwaderno naka'ipit
Subukan mo mang nakinig 'tska ka pa sumilip
Kakasa, puputok bibig ko diyan sa paligid
Sinasabi nila sino gagayahing magaling
Sa isip ko naman walang hiya, ako parin
Maniwala nalang pag pangarap natupad ko rin
Makitang istilo ko pala ang dapat benchmark'in
Pagkatao ay libro, mahirap, ayaw buklatin
May na'amoy na baho ang galing halungkatin
Pero anuman maging husga ako'y ganun pa'rin
Bigyan parin tunog itong inipong sulatin
Wala sila magagawa, damihan ko magagawa
Balanse pati payapa, baliktarin di magawa
Laging mali mali kaya patuloy pag may tama na
Naydana mag-ingay parin kahit sabihing tama na
Sinusulit konting oras kong bakante
Sa kwarto na kulob doon namamalagi
Doon nagrolyo, doon naka'rami
Ride tayo ng honda para sa mahabang biyahe
Akoy biglang napa-awit
Kasi bigla na tumalab yung weed
Nung ako'y biglang napa-awit
Sa lungkot ako ay nakatawid
Ano pa bang kailangan kong gawin
Ilang salita pa'ng pipiliting laruin
Di na'ko tuwa sa larong ganito
Nang magsimulang eto'y maging trabaho
Gabak buong araw halos wala nang pahinga
Dapat maka'rami, di sapat ang pahina
Tuwang tuwa ako sa kusa kong ginagawa
Nakakatamad 'pag ito'y biglang inutos pa
Di na yan kailangan, natural kong gawin
Kaya ngayon wala nang ganang maging magaling
Ang kwaderno pa noon aking sasambahin
Halos liriko narin noon aking kinakain
Busog naman, nasarapan ngayon sawang sawa
Dati, libang ko lang eto ngayon pangangailangan na
Eto ang pangarap ko dati magawa gusto
Di na masaya pag ginawa na para sa boss to
Sinusulit konting oras kong bakante
Sa kwarto na kulob doon namamalagi
Doon nagrolyo, doon naka'rami
Ride tayo ng honda para sa mahabang biyahe
Akoy biglang napa-awit
Kasi bigla na tumalab yung weed
Nung ako'y biglang napa-awit
Sa lungkot ako ay nakatawid
Doon nagrolyo, doon naka'rami
Ride tayo ng honda para sa mahabang biyahe
Akoy biglang napa-awit
Kasi bigla na tumalab yung weed
Nung ako'y biglang napa-awit
Sa lungkot ako ay nakatawid