Ibabaw
Gaano kalalim ang kaya mong sisirin
Kung mahirap bakit di muna isipin
Di makuha? bakit di pa ba malinaw
Silang takot malunod ang nasa mababaw
Gaano kalalim ang kaya mong sisirin
Kung mahirap bakit di muna isipin
Di makuha? bakit di pa ba malinaw
Silang takot malunod ang nasa mababaw
Laging hinahanap kung saan saan
Kay rami ng humagilap di parin matagpuan
Ang akala ng lahat kasama ng ginto sa lupa
Kaya sariling libingan ay hinukay nilang kusa
Ang ilan ay may pilit inaabot
Sa katanungang di arok
'Sang bituin ang sasagot
Ngunit sadyang mapili ang kalangitan
Isa lamang sa milyon ang ma'aring pagdamutan
Mas maraming nanatiling talunan
Ilang ulit nahulog kaya tumingala na lang
Maghintay na tumimbuwang
Kung di maintindihan
Maging taya sa taguan
Ang kalaro'y, hindi alam
Madaming hangad ang langit sa lupa
Ngunit silang ilan na tanggap ang luha
Silang kayang ngumiti sa mundong nagdurusa
Sila pa ang mas mapalad, na maging mapayapa
Gaano kalalim ang kaya mong sisirin
Kung mahirap bakit di muna isipin
Di makuha? bakit di pa ba malinaw
Silang takot malunod ang nasa mababaw
Gaano kalalim ang kaya mong sisirin
Kung mahirap bakit di muna isipin
Di makuha? bakit di pa ba malinaw
Silang takot malunod ang nasa mababaw
Naghahanap ng hiwaga sa munting kakahuyan
Ginaya si Ali Baba para lang masiyahan
Itong kamay ni Midas na walang katuturan
Ngunit ang pusong walang laman hindi ko parin mapunuan
Dahan-dahan na lumakad tangan-tangan
Ang bawat yaman sa palad na pambayad
Sa pintuan ng buhay walang hangganan
Panlinis kasalanan
Para lang makatawid papunta sa buhay ng kaginhawaan
Balikan. ang panahong lugmok sa putikan
Karangyaan, ang habol natin at katanyagan
Nag-unahan pero ngayo'y may halaga ba 'yan
Ngayong ubos na ang buhangin sa'ting mga orasan
Madaming hangad ang langit sa lupa
Ngunit silang ilan na tanggap ang luha
Silang kaya na ngumiti sa mundong nagdurusa
Sila pa ang mas mapalad na maging mapayapa
Gaano kalalim ang kaya mong sisirin
Kung mahirap bakit di muna isipin
Di makuha? bakit di pa ba malinaw
Silang takot malunod ang nasa mababaw
Gaano kalalim ang kaya mong sisirin?
Kung mahirap bakit di muna isipin
Di makuha? bakit di pa ba malinaw?
Silang takot malunod ang nasa mababaw...