Puwang Sa Puso
Naaalala pa tangan tangan kita
Isang munting handog ng Maykapal
Mundo ay kay ganda
Katulad ng kanta na hele sa minamahal
Lumipas man ang kay tagal
Ay hindi pa rin nag-iiba
Pagka't ako'y nandito lang
Umaasang muli pang pag-bigyan
Dahil laging may puwang sa puso ko
Matagal kong pangarap
Mabalik ang paglingap
Laging may puwang sa puso kong hinahanap
Ikaw sa aking piling anak
Ikaw pa rin ang siyang
Sa puso ko'y kulang
Inaasam pa rin ang pagkakataon
Kung pwede lang naman
Muli pang balikan
Ala-ala ng kahapon
Mula noon hanggang ngayon
Ay hindi pa rin nag-iiba
Pagka't ako'y nandito lang
Umaasang umulit ang panahon
Dahil laging may puwang sa puso ko
Matagal kong pangarap
Mabalik ang paglingap
Laging may puwang sa puso kong hinahanap
Ikaw sa aking piling anak
Laging may puwang sa puso ko
Matagal kong pangarap
Mabalik ang paglingap
Laging may puwang sa puso ko
Ikaw sa aking piling anak