Detox

Bryle Hex Relleta, John Patrick Juan Caoile

Pwede mo na akong bitawan
Para kahit papano'y makahinga
Pareho na lang naman nahihirapan
Kaya hayaan na ang isa't isa

Nawawalan na ng gana pagod nang
Itama mga mali ko oh wala nasagad na
Nawawalan na ng gana sagad na
Paliwanag ang sarili ko para saan pa

Unti unting nauubos at 'di na makalaban ooh
'Di maikubling gusto pa ngunit 'di na makayanan paalam

Pwede bang alalahanin
Kung pa'no tayong dalawa'y nagsimula
Pwede rin ba na sabihin mo na rin sa akin
Kung pa'nong pag-ibig biglaang nawala

'Di ba ang sabi mo sa akin
Lahat ng problema ay aayusin natin
Pero bakit nawala ka na
'Di na rin na maalala kung pa'no pa sumaya

Kaya pwede mo na akong bitawan
Para kahit papano'y makahinga
Pareho na lang namang nahihirapan
Kaya hayaan na ang isa't isa

Nawawalan na ng gana pagod nang (oh)
Itama mga mali ko oh wala nasagad na (oh)
Nawawalan na ng gana sagad na (oh)
Paliwanag ang sarili ko para saan pa

Unti-unting nauubos at 'di na makalaban oh
'Di maikubling gusto pa ngunit 'di na makayanan paalam

'Di na natapos na mga away
Lalamunang 'di nangangalay
Sa sigaw na nasanay
'Di naman magkamayaw sayang laway
Maliit na bagay madalas nating pinapalaki
Imbis na lawakan ay lahat ng salitang masakit ay pinagsasabi
Minsan 'di ko na kilala ang kausap ko
Kung ituring mo ay para bang basura oh
Walang kwenta pa'no pa 'pag naluma ako
Malamang n'yan ay papalitan mo na lang ako ng bago

Kaya pwede mo na akong bitawan
Para kahit papano'y makahinga
Pareho na lang naman nahihirapan
Kaya hayaan na ang isa't isa (woah)

Nawawalan na ng gana pagod nang (woah)
Itama mga mali ko oh wala nasagad na (woah)
Nawawalan na ng gana sagad na
Paliwanag ang sarili ko para saan pa (woah)

Unti unting nauubos at 'di na makalaban (woah)
'Di maikubling gusto pa ngunit 'di na makayanan paalam

Unti-unting nauubos at 'di na makalaban
Oh 'di maikubling gusto pa ngunit 'di na makayanan paalam
Unti-unting nauubos at 'di na makalaban
Oh 'di maikubling gusto pa ngunit 'di na makayanan paalam

Hayaan mo munang hilumin ko ang mga sugat na tinamo
Nakaukit pa rin sa isip mga sulat mo

Curiosità sulla canzone Detox di Juan Caoile

Chi ha composto la canzone “Detox” di di Juan Caoile?
La canzone “Detox” di di Juan Caoile è stata composta da Bryle Hex Relleta, John Patrick Juan Caoile.

Canzoni più popolari di Juan Caoile

Altri artisti di Asiatic music