Dito
Sa panaginip ko'y kayakap ka
Ngunit sa'king paggising ay nag-iisa
Maari bang muling silayan pa
Nang mapawi hapding nadarama
Nang mawalay ka sinta
Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo
Ng aking mundo
Dito sa puso ko
Ay nangangarap na sana'y makapiling mo
Sa umaga't sa gabi
Laging maghihintay sa'yong pagbabalik
Dito sa puso ko
Sadyang mapagdamot ang tadhana
Oras natin tila'y inagaw na
Limutin ma'y naalala pa
Bawat saglit ako'y umaasa
Nang mawalay ka sinta
Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo
Ng aking mundo
Dito sa puso ko
Ay nangangarap na sana'y makapiling mo
Sa umaga't sa gabi
Laging maghihintay sa 'yong pagbabalik
Dito sa puso ko
Dito sa puso ko
Ay nangangarap na sana'y makapiling mo
Sa umaga't sa gabi
Laging maghihintay sa 'yong pagbabalik oh
Dito sa puso ko